Tayo'y mag-OTSO-OTSO!
Image Courtesy of http://heartbookseries.com |
'Yan ang taguri sa'yo
Pero sino ka nga ba't bakit ika'y hugis kalbo?
Dal'wang bilog na animo'y ulo.
Marahil espesyal ka nga't, may angking panalo
Sapagkat kundi'y 'di ka ginawang palung-palo!
Wapaakkk nga't tunay kang walang talo,
Daig mo pa nga ang nanalo sa Lotto.
Pero bakit nga ba ika'y ganito?
Kakahilo ka nga ba't daig pa'ng nag-otso-otso?
Swerte ka rin nga ba gaya ng saad ni lolo?
Aba'y kung di rin lang, ano'ng paki' ko sa'yo!
Sa Fibonacci sequence nga ika'y may hamon,
Sapagkat dili nga ba't ika'y nasa poon
Samantalang sila'y nandoroon
Pinakamalaki ka nga 'pag ika'y nasa "two cubed" na form!
"Two raised to three" equals EIGHT nga,
Kaya ang pinakamaliit na prime cube ay ikaw na nga!
O kaya nama'y tila namimintuho sa dalawang bangka,
Lalo't sa tuwing ika'y nasa form na 2^2 + 2^2 di ba nga?
At kung nais namang matuwa,
Nang labis at 'di sadya
At hamak din lamang na kayo't umaayon at ayaw maantala
Ito ang maaari ko pang maging halimbawa:
- 8 = 5 + 1 + 2 at 512 = 83
- 8 + 8 + 8 + 88 + 888 = 1000
- Kapag nag-divide ng isang squared integer by 8 ang remainder ay either 0, 1 or 4
- Kapag nag-multiply tayo ng dalawang magkasunod na prime numbers (mula 5 pataas) at pagkatapos ay kunin natin ang summation ng bawat digit nito ay 8 ang lalabas
Hal. a.) 5 x 7 = 35 kaya 3+5 = 8
b.) 11 x 13 = 143 kaya 1 + 4 + 3 = 8
- Pagdating sa divisibility rule, ang isang number ay divisible sa 8 lalo na sa malalaking numero 'pag ang huling tatlong digits nito ay divisible sa 8 (hal. 3136 at dahil ang 136 ay divisible sa 8 kung kaya't ang 3136 ay divisible sa 8)
Comments
Post a Comment