Malaki ang T (Three, Tri-, Trio, Tres, Tatlo)

Image Courtesy of www.astrogle.com
Isa ito sa napakahalagang numero at pinakanababanggit na numero ata sa pag-aaral ng sipnayan. Bukod pa sa alam natin na ang Earth ay nasa ikatlong planet mula sa Araw at ang 3 primary colors natin ay RGB (red, green, and blue), alam n'yo ba na lahat halos ng sangay ng math lalo na sa Geometry ay binubuo ng 3? Paano ba nagkaroon ng bilang na 3 naman sa ganitong aralin? Eh anu naman ngayon kung tatlo nga ang bilang sa'yo?

Ang mga katanungang 'yan ay naiuugnay lamang sa "3" - pwedeng triangle, trio, tres, tatlo, o iba pa. Kung triangle (3 sides o korner) ang pag-uusapan pa lang sa Geometry, ay maaring di na tayo matapos sa pag-esplika at diskusyon. Ganito na lang, ang triyanggulo ang parang building block ng plane at solid geometry. Isang maaaring maging katibayan at para mapatunayan ito ay sa pamamagitan ng paghati natin sa bawat pigura na kung saan ay nadadaanan ang center point nito. Tulad na lang halimbawa ng square, kapag naglagay tayo ng mga linyang bisector o dumadaan sa center, mapapansin na lahat ng kinalabasang plane figure ay pawang trianggulo lamang. Sa ibang pagkakataon ay maibabahagi ko sa inyo ng mas komprehensibo ang lahat tungkol sa triangle. Kung kaya't magpokus muna tayo sa kaibigang "3".

Ngayon alamin naman natin isa-isa kung ano ang mga natatanging features ng "3":
- ito lamang ang natatanging prime triangular number (0, 1, 3, 6, 10, 15, 21, 28, 36, 45, 55, 66, 78, 91, 105, 120, 136, 153, 171, 190, 210, etc).

TRIVIA: Kapag inadd natin ang dalawang magkasunod na triangular number ay bubuo ito ng isang SQUARE number o kaya pwedeng kunin ang square root (Hal. 1+3 = 4, 3+6=9)

- Sa divisibility naman, ang isang number ay divisible sa 3 kapag ang summation o total sum ng lahat ng digits sa base 10 ay divisible nga sa 3 (Hal. 1569 ay 1+5+6+9=21; ang 21 ay 3 x 7 kaya ibig sabihin ito nga ay walang butal 'pag ika'y nag-divide. Kuha mo? (excerpt kay Madam Ana Manalastas)
- Ang pinakamaliit na odd number sa Fibonacci at Fermat Prime
- Pangalawa sa pinakamaliit na Masculine Number (taguri sa odd numbers) ang tawag ng Pythagoreans

Eto naman ang ilan sa mga magandang halimbawa gamit ang 3:
a. 23 + 3 prime
b. pi(3!) = 3
c. 33 + 43 + 53 = 63 (ayon kay Goldstein)
d. 32 = 52 - 42
e. 33 = 63 - 53 - 43
f. 33 = 32 + 32 + 32

Maglaro naman tayo tricks:

1. Sa isip, pumili ng isang 3-digit na number na kung saan ay magkakaparehas ang digits (hal. 222, 333)
2. Kunin ang sum ng tatlong digits
3. I-divide ang naisip na 3-digit number sa nakuhang sum
(Ano ba ang naging sagot sa lahat? Hmmmm bakit kaya ganun? Pwes, mag-isip!)

Comments

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!