Eleven, labing-isa, onse!

Marami sa ating mga Pinoy ang mathematically-oriented ika nga. Kahit pa nga sa mga salitang kalye eh madalas nating mabanggit ang iba't ibang bilang tulad na lang ng mga sumusunod:
- pagkakaISA (wala nga lang pagkakadalawa)
- nag-iISA
- nagdaDALAWAng isip
- number TWO (kabit o kaya'y pangalawa lang sa orihinal)
- namamangka sa DALAWAng ilog
- naka de-KWATRO (cross-legs)
- mabilis pa sa alas 4
- naONSE (naloko)

'Yan ay ilan lamang sa maaari nating mabanggit na mga konseptong namana natin sa ating mga ninuno. Aba teka lang, bakit nga ba at saan nagsimula ang mga pasaring na ganito? Tulad na lamang ng naONSE, ibig daw sabihin ay naloko o nagoyo ka. Pero bakit tinawag na naonse eh pwede namang sabihin na nadose o kaya'y natrese? Ganito 'yon, noon daw kasing uso ang dosena sa bawat pagbili eh minsan meron daw diumanong imbes na isang dosena ang ibigay eh kulang ng isa lagi. Kaya daw nauso din ang pagsabi ng naonse...nyeeeehhh! Ganun?

P'wes tigilan na natin ang ganyang kalokohan, heto na lang ang ibabahagi ko rin na mas makakatulong pa sa atin para maunawaan ng maiigi ang numero ONSE.
- ang eleven-sided polygon ay tinatawag na UNDECAGON
- ito ay isang prime number
- eleven ang maaaring maging base sa pagbuo ng animo'y isang Pascal's Triangle na kung saan ay naririto nga ang first six rows:
             110 =             1
             111 =            11
             112 =           121
             113 =          1331
             114 =         14641
             115 =        161051
Dito ay mapapansin ninyo na para makuha natin ang susunod na sagot ay kinakailangan lamang nai-add ang bawat digit na nasa gawing itaas nito. Halimbawa, sa pagkuha ng 113 ay susundan lamang natin ang sagot na 121 o kaya'y 1-2-1. Eto ang siste, ilagay ang 1 sa una at huli gaya ng mga nauna. Iadd ang mga digits ayon sa pagkakasunod e.g. 1+2 = 3, 2+1 = 3. Ipagitna ang mga sagot.

Kasunod nito ay kung paano naman mapapadali ang pagkuha ng product kapag ang multiplier ay 11. Ganito lamang mga 'igan ang proseso. Halimbawa ay 45 x 11
1. Kopyahin ang dalawang digits ng multiplicand (4 at 5).
2. At dahil 3-digit number ang inaasahan natin na maging sagot dito ay maglaan lamang ng isang patlang o blangko sa gpagitan ng dalawa. (4_5)
3. Iadd ang dalawang digits ng multiplicand (4+5 = 9)
4. Ilagay ang sagot sa patlang (495)

Isang ekspiremento, gawin ang ganitong proseso sa 3-digit multiplicands. Malalaman ang sagot!

Comments

  1. bakit naman tinawag na "nag123" o "123" ang hindi nagbabayad(sa jeep)?

    ReplyDelete
  2. hehehe maganda pong tanong yan ah! teka alam ko kasi nyan eh kumbaga tatakbuhan mo ang isang obligasyon o responsibilidad...kaya naman tinawag na 123 dahil sa mga marathon kung matatandaan mo o kahit sa anong takbuhan o habulan eh nagbibilang tayo ng 1..2..3..! ayos na yan! :))

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!