Mainam na SIYAM!

Image Courtesy of http://atlantisqueen.com
Siyam, nine, ennea o kaya'y nona (Pasensya 'di po ikaw Ms. Miranda) sa prefix, nueve...'yan lang ang ilan sa mga pangalan ng simbolong "9" na maaaring gamitin dito sa bansang Pilipinas. Maaaring hindi ganun ang epekto nito sa tuwing maririnig ang numerong ito subalit isa ito sa napakalaking ambag ng kasaysayan sa larangan ng sipnayan.

Ilan nga sa mga maaari kong masambit sa inyo ngayon ay ang mga sumusunod bukod pa sa alam natin na ito ang pinakamataas na single-digit na numero:
- Nonagon o enneagon ay ang tawag sa 9-sided na polygon
- Maaari itong nasa form na "3 squared", o kaya'y sagot ng 13 + 23
- Pwede rin namang sagot sa summation ng 1!, 2! at 3! (factorial)
- 9 din ang sagot sa 5 + 4 at 52 - 42
- Sa divisibility, sa isang napakadaling pamamaraan ay maaari nating mahulaan kung ito nga ay divisible sa 9 sa pamamagitan ng pagkuha sa digital sum o pag-add sa bawat digit ng nasabing numero. At kapag ang lumabas na sagot ay maaari nga mai-divide sa 9, samakat'wid ay divisible nga ito sa 9.
Hal. 1) 729 at dahil 7 + 2 + 9 = 18 at 1 + 8 = 9, ang 729 ay divisible sa 9
       2) 4,788; 4+7+8+8=27; 2 + 7 = 9, Tsek!

Ilan nga sa mga interesanteng mga ayos kasama ang numerong "9":
a)1 x 9 + 2 = 11
   12 x 9 + 3 = 111   
   123 x 9 + 4 = 1 111   
   1234 x 9 + 5 = 11 111   
   12345 x 9 + 6 = 111 111   
   123456 x 9 + 7 = 1 111 111   
   1234567 x 9 + 8 = 11 111 111   
   12345678 x 9 + 9 = 111 111 111

b) Sa multiples ng "9"
    12,345,679 x 9 = 111,111,111
    12,345,679 x 18 = 222,222,222
    12,345,679 x 27 = 333,333,333
    12,345,679 x 36 = 444,444,444
    12,345,679 x 45 = 555,555,555
    12,345,679 x 54 = 666,666,666
    12,345,679 x 63 = 777,777,777
    12,345,679 x 72 = 888,888,888
    12,345,679 x 81 = 999,999,999

c) Exponential na porma 
    92 + 93 = 92 x 10
    93 + 94 = 93 x 10
    94 + 95 = 94 x 10
    95 + 96 = 95 x 10
    96 + 97 = 96 x 10
    at iba pa...kayo na lang bahala magdugtong..hehe tamad na ako eh!

Comments

  1. Lex, special mention itong blog mo dito:

    http://wengzaballa.blogspot.com/2011/06/gt-3-physical-education-pe-my-most.html

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!