Basta pitu-pito..ayos 'to!
Image Courtesy of www.dreamstime.com |
Ito ang isa sa kinalakhan kong terminolohiya bukod pa sa "Kapag walang Knowledge, walang Power" at laging ginagaya sa tuwing makikita ko ang patalastas noon ni Ernie Baron. Isa s'ya sa hinahangaan ko noon bilang tagapaghatid ng kaalaman sa TV Patrol na kung maaalala n'yo rin bilang isang Walking Encyclopedia. Talagang 'yung tipong 'pag s'ya na ang nakasalang sa TV ay saka naman ako tututok sa panonood dahil alam ko na may bagong kaalaman ako na matututunan. Kaya nga nung namaalam na s'ya ng tuluyan, ewan ko nga ba bakit hindi 'ata kinaya ng "Pitu-pito" n'ya, medyo nalungkot ako.
Pero bago tayo malungkot at lahat eh pag-usapan na lang natin kung ano ang p'wede nating pagkatuwaan sa pagpapakilala ng seven, pito, siyete, o ano pa mang taguri dito. Ano nga ba ang espesyal o iba't ibang katangian ng karakter na ito? Ilan nga sa maaari kong mabanggit ay ang mga sumusunod:
- ang plane figure na may pitong sides at angles ay tinatawag na Heptagon
- ito ay isang Mersenne Prime na may pormang 23 - 1 = 7
(Mersenne Prime nga pala ang tawag sa numero o positive integer na nasa "power of 2" minus 1 (M = 2p - 1)
- pagdating sa divisibility, medyo mahirap makita at talagang madugo ang proseso pero isa sa napakasimple dito para sa mga maliliit na numero ay ang pag-multiply ng last digit sa 2 at i-subtract ang nakuha sa natirang digits. At 'pag nasa multiples ng 7 ang nakuhang sagot (kasama ang 0), ibig sabihin ay divisible nga ito sa 7.(hal. 469, last digit ay 9 kaya 9 x 2 = 18; 46 - 18 = 28 at dahil ang 28 ay multiple ng 7 kaya ang 469 ay divisible sa 7 din)
Maaari din naman na ang last digit (L) ay gamitin sa form na 3X + L o kaya nama'y 4X - L na kung saan ang simbolong "X" ay kumakatawan bilang mga natitirang digits (halaw mula sa isang anonymous writer ng mathforum).
- dagdag kaalaman din na walang perfect squares na nagtatapos sa "7".
- isa pa, alam n'yo rin ba na ilan sa mga multiples ng 7 ay tinatawag na Palindromic o symmetrical na tipong kahit baligtarin o pagpalit-palitin ang numero sa una at hulihan ay magkakaparehas. (hal. 77, 161, 252, 343,434, 525, 595, 616, 686, 707, 777, 868, 959, 1001, 1771, 2002, 2772, 3003, 3773, 4004, 4774, 5005,...)
Katuwaan lang, kasi alam ko natutuwa kayo pag merong aliw factor dito eh, kaya eto Paakkk!
999,999 / 7 = 142,857
999,999,999,999 / 7 = 142,857,142,857
999,999,999,999,999,999,999,999 / 7 = 142,857,142,857,142,857,142,857
Nakita n'yo ang pattern ng sagot at ng mga numero? Pero kung ito ay kailangan ng napakadaming 9 para lamang makakuha ng sagot na ang katumbas ay 142857, kapag kinuha mo lamang ang reciprocal o binaligtad ang numero mula pagiging numerator ay ginawang denominator, para sa hirap umintindi ng reciprocal, ay makukuha natin ang ganitong sagot pero s'yempre alam natin na ito ay decimal:
1 / 7 = 0.142857142857142857...Galing di ba? :))
Comments
Post a Comment