Six is my name. And number is my game!

Courtesy of Google Images via http://s704.photobucket.com
/albums/ww48/Rignce05/?action=view&current=number6.gif
Wooottt woott! Ilang linggo na rin ang lumipas at medyo dumami na rin ang nag-aantabay sa kung ano na namang kakatuwa't malokong paglalahad ko ng bawat numero. Sa araw na ito ay napagtrip-an kong isulat ang numero sais, six, anim, hexa (prefix nito), at kung ano pa mang lengguwahe ang gusto n'yong itawag dito.

Alam n'yo ba? (Ngeeekk s'yempre hindi pa, eh 'di ko pa naman sinasabi kung ano eh...hehe). Alam n'yo ba na may six shimmering sharks sharply striking shins, six sick slick slim sycamore saplings, at ang six slippery snails slid slowly seaward? Praktis lang baka sakali kasabay ng pagtwist ng mga dila n'yo ay magtwist din ang panahon at magustuhan na rin ninyo ang larangang gusto kong umabot din sa pakiwari n'yo.

Ilan sa mga nais kong ibahagi ngayon na aral sa "6" bukod pa na kapag naglaro tayo ng probability ng dice o ng cube ay malimit gamitin ang six-faced at ang "666" ay number of the beast ayon sa Book of Revelation. Narito nga ang ilan dito:
- Na ang "6" ay tinaguriang "congruent number" (integer na kung saan area ito ng right triangle na may tatlong rational number sides. Isang halimbawa nito ay ang may dimensyon na 3-4-5 triangle)
- Na ang product ng tatlong magkakasunod na integers ay divisible sa "6"
- Sa divisibility, ang number ay divisible sa 6 kapag ito ay divisible rin sa 2 at sa 3 o kaya nama'y kapag ang last digit ay multiples ng mga nasabing numero o dili kaya'y kapag in-add natin ang bawat digit nito ay multiple din ng 2 o ng 3.

Paglaruan natin ang ang "666" (Paunawa: Ang simbolong "^" ay exponent ang ibig sabihin):
a) 666 = 3^6 - 2^6 + 1^6
b) 666 = 2^2 + 3^2 + 5^2 + 7^2 + 11^2 + 13^2 + 17^2 (pambihira dahil ito ay summation ng unang pitong prime numbers na naka-SQUARE)

Heto pa ang ilan sa kakatuwang 6:
62 = 36
62 = 13 + 23 + 33
6= 33 + 43 + 53

Comments

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!