Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!
Image Courtesy of www.britannica.com |
Kapag patungkol sa lima ang pinag-uusapan, ano ba ang madalas na sumagi sa inyo? Marahil ang ilan sa inyo ay maglalahad ng mga kwentong buhay at kung ano pang anik-anik. At dahil mapagpatol ako sa mga ganyang kwento, kaya eto naman ang sa palagay ko na tanging akin lang. Hmmm una na siguro eh panlima ako sa pitong magkakapatid at nanirahan naman ng mula elementary hanggang high school sa Region V o Bicol Region. Nagsimula ako sa ganitong napakamurang edad na mag-aral. Sit-in nga lang ako dapat pero pumasa naman ako kaya nakwalipika naman ako pagdating sa mga exams. 3rd Honors pa nga at "Most Behaved" ang loko akalain mo 'yun? lol Pagtuntong ko ng Grade V, dun ako unang inilaban para sa isang Interschool Math Competition at sinwerteng manalo naman ng gold medal. At 'yun nga ang naging simula ng walang hanggang pagsusunog ko ng kilay gabi-gabi para irepresenta ang iskul at bansa sa iba't ibang kompetisyon. 'Wag kayo mag-alala dahil 'di naman talaga ako nerd-looking, weirdo nga lang minsan :))
Sa pagsisimula ng talakayan natin sa numerong ito, masasabi kong ito na yata ang isa sa napakadaling tandaan sa lahat lalo na pagdating sa divisibility. Di ba nga, lahat ng nagtatapos sa 0 at 5 ay divisible din sa 5? Pagdating sa multiples ng 5 ay madali ring matatandaan lalo pa't madalas ganyan ang pagbilang sa larong 5-10-15-20 noong kabataan pa natin. Pero bakit pagdating sa pagsasaulo ng multiplication table o kaya pag-multiply mismo ng 5 ay nangangapa pa rin ang iba? Parang di ko ata maintindihan? P'wes ganito lang kasimple 'yan, para makuha ang product (resulta sa multiplication) mentally kapag nag-multiply sa 5 ay hatiin muna sa dalawa ang nasabing numero tsaka i-multiply ang nakuhang kalahati sa 10.
Halimbawa:
a. 22 x 5, hatiin ang 22 kaya 11 na lang --> 11 x 10 ay 110; kaya ang sagot sa 22x5 ay 110
b. 11 x 5 = ? ; 11/2 = 5.5 at 5.5 x 10 = 55
c. 42 x 5 = ? ; 42/2 = 21 ; 21 x 10 = 210
Bilang espesyal na karakter naman ay ang mga sumusunod:
- pangatlo at tanging prime number na nagtatapos sa 5
- Penta, ang kadalasang prefix kapag 5 ang pinag-uusapan (hal. pentagon na ang ibig sabihin ay isang plane figure na may limang sides at anggulo)
- ang polynomial na may degree 5 pataas ay hindi maaaring masolve ng radicals o kaya ng general formula
- Lahat ng sagot ng power ng 5 ay nagtatapos din sa 5 maliban 'pag ito'y may exponent na zero (ayon na rin sa nauna nating diskusyon)
Pandagdag na trivia:
- Ang summation ng unang limang odd numbers ay katumbas ng 5 exponent 2 o 5^2 (1+3+5+7+9 = 5^2) samantalang ang sum naman ng unang sampung odd numbers ay 10 squared o 100.
Maganda ang iyong blog. Baka nais mong tingnan ang akin.
ReplyDeletehttp://mathandmultimedia.com
Thanks bro. Anyway, did you finish your masters program already at UP?
ReplyDeleteYes. Do we know each other?
ReplyDeleteHmmm... Teka, ikaw ba yung Alex na kaklase ko? hehe
ReplyDeletehahaha yup...you got it right finally!
ReplyDelete