Labing Dalawang dosenang twelfth number! Getz Nyo?
Photo credit: http://thexfrontrange.com/ |
Dose o labing dalawa. Ano nga ba ang bukod tangi sa numerong ito? Ang mga Factors (talakahulugan: factors ang tawag sa mga pares ng buong numerong nagtutugma o ang mga numero na kayang idivide o hatiin ng eksakto ang nababanggit na numero) nito ay 1 at ang sarili (1x12), 2 at 6, 3 at 4. Dosena ang tawag sa pagkakakumpol ng labing dalawang piraso. DODECAGON (latin ang tawag sa polygon na may 12 sides na kung saan ay mayroon itong 150 degrees na angle sa bawat side nito o kabuuang 1,800 degrees sa loob ng polygon (walang wala ang 360 degree na pak ganern!..nyahahaha). Mayroon tayong 12 buwan sa isang taon at mayroon din tayong 12 numero sa orasan o 12-hour clock system. Ang katumbas naman ng 1 foot ay 12 inches sa mga nakakalimot.
Para sa dagdag pakunswelo at kaalaman naman, paano ba tayo magmultiply ng 12? Eto ang iba't ibang pamamaraan:
1. Lattice Multiplication (ituturo ko na lang siguro sa susunod na artikulo para may suspense)
2. Split-type (akala mo aircon lang me ganitong uri?) na pamamaraan na kung saan ay hinahati natin ang multiplier, at parehas na imultiply sa 12 samantalang ang product nila parehas ay iaadd para makuha ang pinakatutal (hal. 34 x 12, ang 34 ay pwedeng 30 + 4 para mas madali magmultiply kaya 30x12= 360 at 4x12=48; sa total ay 360 + 48 = 408)
3. Criss-Cross method para sa any 2-digit number: imultiply muna ang nakatapat (tens digit at ones digit ng parehas at lagyan ng patlang ang gitnang pwesto at pagkatapos ay cross multiply at kunin ang sum ng dalawang resulta para mailagay sa gitnang patlang (hal. 23 x 12)
23
x12
2_6 at para sa gitna ay (2x2) + (3x1) = 7 kaya'y ang sagot ay 276
Hint: Halimbawang naging 2-digit ang sum ng sa gitna ay i-carry over lang ito sa sumunod na numero gaya ng halimbawa sa taas 34 x 12 na kung saan ang (3x2) + (4x1) = 10 kaya't 0 carry over 1 sa susunod ay magiging 4.
34
x12
3_8 na kung saan ay 10 sa gitna pero ang isusulat lang ay 0 at carry over sa susunod ang 1, kaya't suma-tutal ay 408.
Kayo na lang bahalang sumagot kung ilan ang tamang sagot sa "labing dalawang dosenang twelfth number? ayoko na mag-isip eh. icomment n'yo na lang..hehe
maraming salamat po sa blog na ito ,dahil dito marami akong natutunan!!! Sakit.info
ReplyDelete