Ang Sampu!
Image Courtesy of www.ngabo.org |
Halos ilang araw din akong nagpakahenyo sa iba't ibang larangan - sa Public Speaking at Health Account Estimation. Kaya sa mga masugid kong tagasubaybay, ipagpaumanhin n'yo po at wala akong updates man lang bukod pa sa kadahilanang talagang tinamaan ako ng katam (aran) dahil sa bagyong Falcon:)) Pero sa kabila nito ay may maganda namang nangyari sa akin, mayroon na namang nadagdag sa mga raket ko. Ngayon, isa na akong maituturing na isa sa mga "Curachos". Totoo na po! Makikipagtuos na ulit ako sa mga makukulit na estudyante sa kolehiyo.
Pero bago ang kuwentuhan, gusto ko munang tapusin ang mula "awan" hanggang sampu kong target sa mga numero. Bukod pa nga sa Sampung Utos ng Diyos (pero bakit kaya kelangan sampu? hmmm ibig sabihin pala mas mataas pa ang mga magulang natin sa Diyos kasi napakarami nilang utos..joke! lol). Bueno, heto ang ilan sa mga kapakipakinabang na mga aralin na naaayon sa numerong "10":
- Una na dito ay, ang 10 ang base ng ating alam na numerical system
- Dec (deci) ang pangunahing prefix sa numerong ito (hal. decagon, decade, etc.)
- Sa divisibility, ang isang numero ay divisible sa 10 kapag ito ay nagtatapos sa "0" lamang (S'yempre naman, eh lahat ng imultiply mo sa 10 ay may 0 ang sagot). Bukod dito ay kahit anong number ang iadd natin sa 10 ay magdadagdag lamang tayo ng isang 0 sa dulo ng numerong 'yun (hal. 8,562 x 10 = 85,620)
- Ang polygon na may sampung sides at angle ay tinatawag nating DECAGON
- Ang 10 ay sum ng unang tatlong prime numbers (2+3+5), sagot sa 1+2+3+4, sagot sa square ng unang dalawang magkasunod na odd numbers (1^2 + 3^), at sagot din sa 0! + 1! + 2! + 3!.
- Ilan pa rin sa nakakabilib na mga numero ay ang mga sumusunod:
a. 10! = 6! x 7! = 3! x 5! x 7!
b. 100 =1 x 1
101 =2 x 5
102 =4 x 25
103 =8 x 125
104 =16 x 625
105 =32 x 3125
106 =64 x 15625
107 =128 x 78125
109 =512 x 1953125
1018 =262144 x 3814697265625
1033 =8589934592 x 116415321826934814453125
Paglaruan naman natin ang mga isip ng di nakakaalam (pogi points):
1. Pag-isipin ng kahit anong numero ang iyong kakilala at sabihing doblehin ang napiling numero (times 2).
2. Dagdagan ng 20 at i-divide sa 2 pagkatapos.
3. Ang nakuhang sagot ay i-minus sa original na numerong naisip at Voila! Tanungin kung ang sagot nga ay 10 :))
Pero ano ba ang paliwanag sa konseptong ito at bakit nagkagay-on?hehe
Pwes, eto po 'yun! Kailangan lamang natin isalin sa mathematical sentence ang proseso.
1. 2x
2. 2x + 20 (o dili kaya'y x + 10 sa simplest form o sagot)
2
3. (x + 10) - x ; kaya nga't ang natatanging sagot ay 10 lamang
Gusto mo ba ng online work?
ReplyDeleteEarn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/
Gusto mo ba ng online work?
ReplyDeleteEarn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/