Zero --- Akala mo lang minsan wala pero meron..meron..meron!
Image Courtesy of Google curiositynews.blogspot.com |
Sa kasaysayan, marami ang nagsasabi na nauna nga raw ang sibilisasyon ng Maya sa pagbibigay ng taguri sa "zero". Syempre pa eh hindi pa 'yun ang tawag. Pero kung sa kanila eh meron, sa Asya ay nangunguna naman ang mga Tsino sa pagbibilang at pagbibigay pansin sa numerong ito. Salamat na nga lang kina pareng Gautama Siddha, Ptolemy, at ilan sa mga Romanong bihasa sa larangan ng sipnayan kung kaya't nasimulan ang paggamit ng simbolong ito. Pero ang talagang nagbigay nga ng pinakaunang pangalan dito na "zefiro" na sa kinalaunan ay ginawa ngang zero ayon kay Fibonacci ay si Leonardo Pisano.
Kapagka minsan ang zero ay isinasama sa tinatawag natin na "counting number" pero ewan ko nga ba bakit? Sabi nga eh para daw magkaroon ng pagkakahiwalay ang negatibo at positibong numero o kaya ang "whole number". Neutralizer ika nga o di kaya'y isang equalizer. Pero ang mas malufeeettt na argumento na maaaring idaan sa debate nang matigil na ang RH Bill na yan at iba pang pampulitikang talakayan, ay kung "odd" o "even" nga ba ang zero. Pero teka, ano nga ba ang pagiging "even"? Hindi nga ba't dapat ay divisible s'ya sa 2 o mutiples of 2. At dahil nga 2 x 0 = 0, kaya ang zero ay "even".
Hindi nga ba't kahit ano ang i-add natin sa zero ay parating ang number na 'yun ang lumalabas? Pero kapag sa multiplication naman ay laging sya naman ang bida dahil kahit anong numero ang i-multiply natin sa kanya ay zero pa rin. Subalit kung division ang pag-uusapan, ang zero divided by any number ay zero pa rin pero kapag ito ang naging denominator o ang number divided by zero --- ang sagot ay di makatotohanan! Kung sa elementary ay 'eto ang taguri, sa hayskul at kolehiyo naman ay iba-iba ang taguri dito tulad ng;
- "identity element" sa addition
- isang complex number na parehas "real" at "purely imaginary"
- anuman ang base na may exponent zero ay laging 1 ang sagot
- tanging integer na hindi negative o positive
- maaaring isa lamang codification sa estadistika o sa Binary system
- maaari ding maging endpoint sa isang cycle ng Clock System
Bukod nga sa larangan ng sipnayan, ay may iba-iba ring gamit ang zero. Maaaring ang zero ay "Love" sa tennis, "wuji" o mystical number sa Taoism na ang ibig sabihin ay simula at hangganan. Dito nga natin makikita ang kahalagahan ng paggamit ng zero. Kaya nga't sabi ko nga - 'yan ang akala n'yo na wala pero meron.
Comments
Post a Comment