Uno...ISA ka nga lang ba?
Image Courtesy of www.dohardmoney.com |
Bukod sa pagiging numero uno, ano pa kayang silbi mo nang sa gayon ay pwede kitang ipagmalaki at kahit una ka ay mas ikaw ang matatandaan ng bawat nagbibilang sa'yo? Bukod pa sa espesyal mong katangian sa kadahilanang:
- minsang taguri ay "unity" o dili kaya'y unit length
- ikaw ang kaisa-isang numero na kahit anong exponent ay nananatiling 1 lamang ang sagot
- ang tanging solusyon sa equation x^3 + 3x - 4 = 0
- isang nakakalitong usapan kung ang 1 nga ba ay prime; subalit tingnan natin ang ibig sabihin ng prime - dapat ay positive integer na may eksaktong dalawang positive na divisors kung kaya't mas marami ang pabor na hindi nga ito isang PRIME
Ang iba pa ngang mga espesyal na katangian at kahulugan sa isang malalim na pag-aaral ng numero UNO ay ang mga sumusunod:
- isa itong "identity element" o ang "reflexive identity" sa multiplikasyon
- espesyal ang taguri sa isang Triangular Number, pentagonal, centered hexagonal
- probability ng isang event na siguradong lalabas
At kung gusto n'yo namang paglaruan at gumawa ng kakaiba gamit ang 1 sa multiplication (Matatandaan na kung ilan man ang bilang ninyo sa digits ng multiplier at multiplicands ay s'ya ring nasa gitnang parte na numero ng inyong "product"):
1 x 1 = 1
11 x 11 = 121
111 x 111 = 12321
1111 x 1111 = 1234321
11111 x 11111 = 123454321
111111 x 111111 = 12345654321
1111111 x 1111111 = 1234567654321
11111111 x 11111111 = 123456787654321
111111111 x 111111111 = 12345678987654321
Paraan / Teknik sa pag-multiply ng 11 sa kahit anong 2-digit na numero mula 10 hanggang 99:
1. Halimbawa: Imultiply ang 23 sa 11.
2. Dahil 3-digit na numero ang inaasahan natin na lalabas, magtalaga ng 3 puwang o espasyo bilang sagot.
3. Isulat ang 2 at 3 sa una at pangatlong puwang (2_3) at hayaan muna ang puwang sa gitna.
4. I-add ang 2 at 3 (2+3=5) at isulat ang sagot sa gitnang bahagi ng sagot. Kaya ang sagot sa 23 x 11 ay 253.
Ilustrasyon: 23 x 11 = 2_3; at dahil ang 2 + 3 = 5 kung kaya't
23 x 11 = 253
Iba pang kagayang halimbawa:
1. 70 x 11 = 770 ; (7+0=7)
2. 87 x 11 = 8_7 ; at dahil ang 8+7 = 15, isulat ang 5 sa patlang samantalang i-carry over
o i-add naman ang 1 sa 8 (hundreds digit) kung kaya't
87 x 11 = (8+1)57 = 957
Comments
Post a Comment