Dos...na dumadausdos :)
I have TWO hands the left and the right.
Hold them up high so clean and bright...(galing sa kanta)
'Yan ang unang numero na nasambit sa kanta pero alam nga ba natin kung anu-anong espesyal na pamamaraan upang magamit natin ang salitang "two", "dos", "dalawa", "duwa", at kung anu-ano pang pagsambit nito.
Maaaring sa mga may math phobia ang tanging alam lamang sa numerong ito ay ang pamosong "one plus one equals two". Pero kung iisa-isahin natin ay talagang marami pa ang pwede nating ikonek sa "2". Sige simulan natin:
Image Courtesy of www.votsalakia.net |
- ito ay isang natatanging even prime number o ang pinakamaliit na prime number
- kahit anong even number ay divisible sa 2 o dili kaya'y lahat ng counting numbers na imultiply natin sa 2 ay even number.
- ito ay pangatlo sa Fibonacci series
- tinatawag na square kapag ang exponent ay 2; ito'y sa kadahilanang kapag nai-drawing nga natin sa isang plane figure ito gamit ang magkakasukat na squares, ang bawat sagot e.g. 4, 9, 16, 25, etc. ay makakabuo ng isang perfect squares.
[Isa sa magandang halimbawa sa exponentiation gamit ang 2 bilang exponent ay ang pamosong "Pythagorean Theorem" na kung saan sinasabi na ang squared hypotenuse ng right triangle (pinakamahabang parte) ay katumbas ng pinag-add na squared legs nito o kaya'y a^2 + b^2 = c^2.]
- Sa concept naman ng Mersenne Primes ay ang Power of 2 ang nababanggit
- Siya rin ang natatanging sagot kapag kinuha natin ang factorial niya mismo (2!)
Ilan sa mga natatanging prime numbers na kabilang ang 2:
2
29
293
2939
29399
293999
2939999
29399999
29
293
2939
29399
293999
2939999
29399999
Paano naman kunin ang square ng isang 2-digit number na nagtatapos sa 5? Eto try natin,
*Halimbawa ang gusto mong kuning square ay 45 o kaya nama'y45^2
- Una, gamitin ang nasa tens place na numero (ito ay 4) at mag-add ng 1 (4 + 1)
- Pangalawa, i-multiply ang sagot sa original na nasa tens place at kunin ang product (4 x 5 = 20)
- Sa huli, ay idagdag ang sagot na 20 sa __25. Kaya ang sagot sa square ng 45 ay 2025.
1. 45^2 = __ 25 [4+1 = 5 tapos 5 x 4 = 20]
2. 15^2 = __25 [1+1 = 2, 2 x 1 = 2] ; 225
Pero syempre mas malupet pa din kung subukan pa rin natin to sa 3-digit number na nagtatapos pa rin sa 5..hehehe subukan n'yo rin.
Halimbawa:
1. 115 x 115 o kaya 115^2 = ___25 [kunin ang tens & hundreds places at mag-add ng 1]
[Gayahin ang steps sa 2-digit]
kaya 11 + 1 = 12 tsaka 12 x 11 = 132
Ibig sabihin ang sagot sa 115^2 ay 13225. Itsek sa inyong calculator.
Eh kung sa 4-digit naman kaya? Subukan n'yo kunin ang unang tatlong places (tens,hundreds, thousands). Gawin din ang steps sa mga nauna. Tama pa rin, di ba? ;)
Comments
Post a Comment