Ten...Ten...De Tara TEN!

Isang napakagandang araw na naman ang lumipas. Halos di mo na rin namamalayan na alas singko na't kelangan mong maghanda para sa susunod na araw..haaayyyyy! Pero habang galak na galak ka't gusto mo mang umuwi at sumabay sa agos ng trapiko sa EDSA, wala ka namang magawa kundi bumaling paroo't parito na lang at magmunimuni ng mga gawain sa mga susunod na araw.

Anu't ano pa man ang mangyari, eto pa rin tayo, nabuhay muli para ituloy ang mga kalokohan ko sa numero at pagsasalarawan ng sipnayan sa abot ng aking makakaya.

Ten. Sampu. Sampulo. Diyes. Dekada. Deca. Heto ang mga taguri sa bilang na 10. Baka meron pa kayong alam na iba. Pwede naman mag-share-share :)) Pero teka...ano nga ba ang espesyal sa'yo? Bukod pa sa mga sumusunod na alam na marahil natin:
- unang 2-digit number sa decimal
- semiprime kasi 1,2,5,10 lamang ang kanyang factors
- polygon na may 10 sides ay DECAGON
- ang kinukuha lagi sa klase para sa "horror roll" o kung saan pa mang countdown ay top 10 :))
- triangular number 1+2+3+4 = 10
- sum ng square ng unang dalawang consecutive numbers (1^2 + 3^2)

Sa operations naman, heto ang swak na swak sa inyo:
- kapag nag-multiply ka ng kahit anong numero sa 10, ang sagot ay laging magdagdag lang ng zero o kaya nama'y movement of 1 decimal place to the right ika nga lang (ex. 9x10=90, 1.6x10=16,etc)
- ang exponent sa base 10 ay nagsasabi lamang ng kung ilang zeros ang idadagdag o isusulat (hal. 10^2=100, 10^5=100,000)
- Any number except 0 divided by 10, ang sagot ay laging 1 movement of decimal point to the left naman (hal. 3/10 =0.3, 12.5/10=1.25, 13/10=1.3)

Pero naku naman, ano na namang kabulastugan 'to?

0 / 0 = 2 daw? Eh pa'no?
        = (100 - 100) / (100 - 100)
        = [(10x10) - (10x10)] /  [(10x10) - (10x10)]
        = (10^2 - 10^2) / 10 (10-10)
        = [(10+10)(10-10)] / 10(10-10) (cancelled daw ang (10-10) kaya...)
        =(10+10) / 10
        = 20/10
        = 2???

Paki-explain nga. hehe

Comments

  1. Amazing blog and very interesting stuff you got here! I definitely learned a lot from reading through some of your earlier posts as well and decided to drop a comment on this one!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!