Matematika at Eleksyon 101 para kay Manny "PacMan" Pacquiao

DEMOKRASYA, tama nga po ba ang pagkakapantig at ang pagbuo ng salita? Marahil nga marami sa atin ang merong konsepto ng salitang ito. Pero batid kaya natin ang nakaatang na responsibilidad na hatid ng bawat pagsambit natin nito? Hmmmmm ewan ko lang ah, pero baka naman...MEMA lang ang iilan sa atin - memasabi, memabanggit, mematsismis, o memasingit lang!

Retorikal na sa atin minsan at tipong malabong usapan na ang salitang FAIRness sa demokrasya pero inuulit-ulit pa rin natin. EQUALITY at ACCURACY, 'yan ang iilan marahil sa pinagkaparehas ng matematika at demokrasya. Na sa bawat pagbuka ng bibig at bawat pagsusulat ay merong konteksto ng isa't isa.

Hindi naman ako palabasa ng Biblia pero kung ang sinabi ni PacMan ay alinsunod o "accurate" lamang sa mga nasusulat dito at hindi na lumampas marahil sa pagkomento ng ekstrang paghahambing, siguro wala tayong problema (eh kese nemen eh, mema ka pa). Ika nga sa pag-antabay ng "truthfulness" ng sinasabi eh dapat meron tayo laging kalakip na matibay na ebidensya o source. Hindi lang dapat tayo gumagawa ng asumpsyon base sa nararamdaman kundi dapat pinag-aaralan at may katibayan.

Kung sa math nga, may equality eh sa demokrasya at lipunan pa kaya? At kung sinuman ang kumwestyon dito at magbigay ng iba pang sagot bukod sa nararapat lang ay dapat lang naman na kastiguhin. 'Yan ang sa tingin ko ay mali.

Kaya sa susunod na pagbanat ng ating mga Pul-Politiko na mema na at epal pa. Esep-esep muna ah.  

Comments

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!