Ang Math sa Puso ni Kupido
Aysus, balentayms day na ulit! Ika nga ng iba parang "gutom lang 'yan, lumilipas din". Ewan ko nga ba't naging kali-kaliwa ata ang mga raket ko at mga gawain simula nung nakaraang taon. Madaming blessings kasi na dumating...hehe "TINK YU VIRI MUTTS" sabi nga ni Aling Dionisia Pacquiao. Kaya nga ang ending, heto at ngayon lang ulit nag-update ng blog. Suri naman!
Ngayong araw na 'to ay kikilalanin natin ang hugis PUSO bilang pagnanais ko rin na makisawsaw sa pagiging Romantiko. Una na dito ay paano nga ba ang paraan ng paggawa ng hugis puso:
Unang paraan: Isa sa pinakamadaling pamamaraan ay ang paggawa ng hugis parisukat o square na kung saan ay nakatayo ito on its point or edge. Nakalilis kumbaga. Pagkatapos ay gumawa ng dalawang semi-circle sa dalawang magkatabing sides (ang side ng square ang s'yang magiging diameter nito)
Pangalawa: Kung nais mo naman na may konting resemblance man lang sa tunay na heart, ang kailangan mo ay gumawa naman ng tatlong semi-circles. Una, gumawa ng medyo me kalakihang semi-circle. Kunin ang midpoint ng semi-circle at ang bawat radius ay ang s'yang magiging diameter ngayon ng dalawang maliit na semi-circles.
Pangatlo: Gumawa ng dalawang magkatabing bilog touching only at a single point at gumawa ng tangent line sa pagitan ng dalawa at maging sa bawat bilog hanggang mag-abot ang tatlong tangent lines.
Pang-apat: Gumamit ng anumang bagay na cylindrical o kaya nama'y maaari ding barya na kung saan ay kailangang lagyan ng tali ang dalawa. Pagkatapos ay iikot mula sa point ng pinagtalian hanggang makarating sa kabilang dulo. Ang tawag sa ganitong pamamaraan ay the "rolling circle" o ang Cardioid. Maaaring gumamit ng iba-ibang sukat ng barya at gawing base ang naunang trace ng unang bilog.
Kung sa algebra naman o kaya'y 'pag inilagay natin sa Cartesian Coordinate Plane, heto ang mga equations na maaari nating i-graph:
a.) x²+(y - ³√x²)²=1
b.) f(x) = sin(x) - 1
c.) r=2a[1+cos (t)]
Comments
Post a Comment