Estudyante Blues...LokoMoko Eh!

Sadya akong namamangha o kaya'y nagugulat sa bawat pagtuntong ko sa entablado at sa apat na sulok ng karunungan (Academic Room). Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa mga naririnig kong talasalitaan ng bawat estudyante. Nauunawaan ko na kailangan nga nating angkinin ang bawat salita nang makuha natin ang nilalaman o konsepto ng bawat paksa. Subalit kapag nanganganib na ang kasarinlan ng bawat mamamayang Pilipino ay dapat na nating ipaglaban ang karapatan at isigaw na TAMA NA! PALITAN NA!...hahaha off topic na ata ang pagiging makata ko.

Kung ikaw kasi ang nasa klasrum, aba, baka sabi nga ng iba eh ma-culture-shock ka sa kanila. Hindi naman sa kadahilanang mukha silang Alien o kaya'y from other world kundi sa kung ano ang hatid sa kanila ng simula't sapul ng edukasyon sa Pinas. Kaya nga't sa bahaging ito ng ating pag-uusap ay ayos lang na ibahagi ko rin sa inyo ang mga salita at konseptong kanilang ginagamit.

1. TRANSPOSITION sa Algebra
Juan T: Para masimplify sa standard linear form (y = mx + b) ang equation na y - 3 = 3x ay kailangan lang na i-transpose ang 3 sa kabila at baguhin ang sign. (Ito raw kasi ang turo sa kanila ng mga naging titser nila noon)
Ako: Weeehhh di nga??? Ganito po ang aktwal na nangyari, kinuha po natin ang additive inverse ng gusto natin ma-eliminate sa kabilang term na kung saan ito ay ang -3. At dahil ito ay negative ibig sabihin ay positive o 3 ang additive inverse na kailangan nating i-add sa magkabilang panig kung kaya't y - 3 + (3) = 3x + (3). Sa mas simpleng equation ito ay y = 3x + 3 na lamang.

2. DIVIDE BY ___ sa Equation
Instruction: I-simplify ang 3y - 12 = 6x sa standard linear form
Mariang P: I-transpose ang -12 sa kabila (ewan ko kung saang kabila ba ito) at pagkatapos ay i-divide by 3 para matanggal ang number sa y (hahaha talagang tatanggalin) kaya 3y = 6x + 12 at 3y / 3 = (6x + 12) / 3 kung kaya't ang sagot ay y = (6x+12)/3 o sa pinakasimple ay y = 2x + 4. (Bravo, palakpakan ang mga palaka)
Ako: Tama ang sagot! Kalahating bagsak sa'yo ;) Maipaliwanag ko lang, ganito po ang naging SOCO: Again, walang transposition na naganap sa -12 kundi additive inverse at para naman ma-eliminate natin ang coefficient ng variable y ay kinakailangan lamang natin na kunin din ang multiplicative inverse nito at sa naturang halimbawa para sa 3 ay 1 / 3. Paunawa lang din na hindi po division ang ginamit kundi ay multiplication ng nakuha nating inverse. Ganito po 'yun; 1/3•(3y) = 1/3•(6x + 12) kaya't ang sagot ay y=2x+4 din.

3. CANCELLATION
Nardong P: "x raise to 2 divided by x"..makakansel ang isang x kaya't ang sagot na lamang ay x.
Ako: Tumpak ang sagot! (kutusan kaya kita d'yan sa cancel mo?..hehe) Wala pong nangyayaring cancellation sa Math kundi sa expression na x^2 / x o kaya'y x•x / x, ang isang x divided by x ay katumbas ng 1 kaya nga't ang sagot dapat ay 1x subalit di na natin inilalagay ito as coefficient at wala tayong na-cancel ni isa man sa nabanggit.

4. Zero divided by Zero equals 1
Harharhar...naloko na at 0 divided by 0 ay equal to 1...bussseeettt. Ano? isa ka pa? Hindi porke't sinabi ng ibang professors na "any number divided by itself is equal to 1". Meron din namang "any number divided by zero is undefined" o kaya nama'y "zero divided by any number  is zero". Kaya nga ang argumento ay kung ito nga ba ay 0 or 1. At para naman hindi na maguluhan, sa ganitong pagkakataon ito ay tinatawag na indeterminate or cannot be determined.

5. Si Lesbian ang kasamang nagpasimula ni Isaac Newton ng Calculus
Lol...todo tawa mode lang. Baka naman ang ibig mong sabihin ay si Gottfried Wilhelm Leibniz

6. Four (4) exponent 3 equals 12
At dahil daw sa ang 2 exponent 2 ay 4 na parang nagdirect multiply lamang kung kaya't ang 4^3 daw ay 12. Ang ibig sabihin po ng exponent ay kung makailang beses mong imumultiply ang base number sa sarili nya o kaya sa halimbawa na 4 raised to 3 ay katumbas lamang ng 4•4•4 or 64.

Comments

  1. common mistakes hehe guilty po ako minsan xD

    ReplyDelete
  2. This is a very nice article Alex. Sabi nga ng coordinating teacher ko when we were in college, "There is no such thing as transposition in Math. It's just only a matter of Properties of Equality."

    Tama nga naman sya... ;)

    ReplyDelete
  3. hahahaha . Okay . Lesson learned !


    :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Eleven, labing-isa, onse!

Sanayan ng Isip --- Sipnayan

Give me Five! Kahit maging LIMA ka pa!