Wala ka nga bang silbi?
Hindi maikakaila na marami nga ang hindi nakakaalam sa tamang gamit ng sipnayan sa pang-araw-araw na buhay. Teka, meron nga ba? Bawat hakbang mo ika nga ay may naipapamalas na sipnayan. Maging sa paghanga mo man sa iyong nililigawan ay may karampatang bilang kumbaga. Parang ganito lang,
- "Function ka ba? Kasi mula Many-to-One, sa huli ta'yo lang din ang One-to-One." Pero s'yempre di ako papayag ng One-to-Many".
- "Alam mo bang para lang akong nag-aaral sa'yo ng Differential Calculus, kasi t'wing makikita kita parang instantaneous ang Rates of Change ng puso ko"
- Kahit ano pa man ang mangyari, ikaw lang ang natatanging "solution" sa equation ng puso ko.
Ngayon kung sa bawat sasabihin natin ay may kaukulang pagpapahalaga sa Math ay masasabi kong napakadali na para sa atin ang pag-unawa nito. Gamitin mo man sa kahit anong salita o sa kung ano pa mang balbal na pagpapahayag ng saloobin ay mas lalong ayos yan. Ibig lamang sabihin, may nakukuha tayong kaalaman sa larangang hirap unawain ng iilan.
May nakita kang babaeng maganda o kaya bulaklak, ibig sabihin ay na-appreciate mo ang Math. Bakit? Ibig lang sabihin kasi na nauunawan mo ang SYMMETRY na kung saan ang ibig sabihin ay ang katangian ng pagkakaroon ng tamang proportion, pagkakatugma o kaya'y equivalence, at identity. Kung sa pagharap mo man sa salamin ay naging magkaiba ang hulma ng magkabilang pisngi mo, aba, eh, iba na ibig sabihin n'yan baka naman meron ka ng sintomas ng Bell's Palsy...hehe Pero kung mataman nating isipin, lahat ng bagay sa mundo na ginawa ni Lord ay may symmetry. At 'yun ang isang paraan para maipakita natin sa iba na ganyan lang kasimple ang Sipnayan.
Isa pang halimbawa, may nakita kang kakaibang numero o kaya nama'y pagbabaybay na kung saan kapag binasa mo ng pabaligtad ay parehas lamang, ibig sabihin lamang na isa itong PALINDROMIC. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa nito:
- 77×78×79 = 474474
- 7^3 = 343
- 7×7×7×7×8×8×8×8×8×(2+9)×(9×9×9+3) = 633498894336 (Mula kay Erich Friedman, 2007)
- Devil never even lived
- A Toyota's a Toyota.
Comments
Post a Comment