Dos...na dumadausdos :)
I have TWO hands the left and the right. Hold them up high so clean and bright... (galing sa kanta) 'Yan ang unang numero na nasambit sa kanta pero alam nga ba natin kung anu-anong espesyal na pamamaraan upang magamit natin ang salitang "two", "dos", "dalawa", "duwa", at kung anu-ano pang pagsambit nito. Maaaring sa mga may math phobia ang tanging alam lamang sa numerong ito ay ang pamosong "one plus one equals two". Pero kung iisa-isahin natin ay talagang marami pa ang pwede nating ikonek sa "2". Sige simulan natin: Image Courtesy of www.votsalakia.net - ito ay isang natatanging even prime number o ang pinakamaliit na prime number - kahit anong even number ay divisible sa 2 o dili kaya'y lahat ng counting numbers na imultiply natin sa 2 ay even number. - ito ay pangatlo sa Fibonacci series - tinatawag na square kapag ang exponent ay 2; ito'y sa kadahilanang kapag nai-drawing nga natin sa isang plane figure...