Posts

Showing posts from February, 2016

Ten...Ten...De Tara TEN!

Isang napakagandang araw na naman ang lumipas. Halos di mo na rin namamalayan na alas singko na't kelangan mong maghanda para sa susunod na araw..haaayyyyy! Pero habang galak na galak ka't gusto mo mang umuwi at sumabay sa agos ng trapiko sa EDSA, wala ka namang magawa kundi bumaling paroo't parito na lang at magmunimuni ng mga gawain sa mga susunod na araw. Anu't ano pa man ang mangyari, eto pa rin tayo, nabuhay muli para ituloy ang mga kalokohan ko sa numero at pagsasalarawan ng sipnayan sa abot ng aking makakaya. Ten. Sampu. Sampulo. Diyes. Dekada. Deca. Heto ang mga taguri sa bilang na 10. Baka meron pa kayong alam na iba. Pwede naman mag-share-share :)) Pero teka...ano nga ba ang espesyal sa'yo? Bukod pa sa mga sumusunod na alam na marahil natin: - unang 2-digit number sa decimal - semiprime kasi 1,2,5 ,10 lamang ang kanyang factors - polygon na may 10 sides ay DECAGON - ang kinukuha lagi sa klase para sa "horror roll" o kung saan pa ...

Matematika at Eleksyon 101 para kay Manny "PacMan" Pacquiao

DEMOKRASYA, tama nga po ba ang pagkakapantig at ang pagbuo ng salita? Marahil nga marami sa atin ang merong konsepto ng salitang ito. Pero batid kaya natin ang nakaatang na responsibilidad na hatid ng bawat pagsambit natin nito? Hmmmmm ewan ko lang ah, pero baka naman...MEMA lang ang iilan sa atin - memasabi, memabanggit, mematsismis, o memasingit lang! Retorikal na sa atin minsan at tipong malabong usapan na ang salitang FAIRness sa demokrasya pero inuulit-ulit pa rin natin. EQUALITY at ACCURACY, 'yan ang iilan marahil sa pinagkaparehas ng matematika at demokrasya. Na sa bawat pagbuka ng bibig at bawat pagsusulat ay merong konteksto ng isa't isa. Hindi naman ako palabasa ng Biblia pero kung ang sinabi ni PacMan ay alinsunod o "accurate" lamang sa mga nasusulat dito at hindi na lumampas marahil sa pagkomento ng ekstrang paghahambing, siguro wala tayong problema (eh kese nemen eh, mema ka pa). Ika nga sa pag-antabay ng "truthfulness" ng sinasabi eh d...