Ten...Ten...De Tara TEN!
Isang napakagandang araw na naman ang lumipas. Halos di mo na rin namamalayan na alas singko na't kelangan mong maghanda para sa susunod na araw..haaayyyyy! Pero habang galak na galak ka't gusto mo mang umuwi at sumabay sa agos ng trapiko sa EDSA, wala ka namang magawa kundi bumaling paroo't parito na lang at magmunimuni ng mga gawain sa mga susunod na araw. Anu't ano pa man ang mangyari, eto pa rin tayo, nabuhay muli para ituloy ang mga kalokohan ko sa numero at pagsasalarawan ng sipnayan sa abot ng aking makakaya. Ten. Sampu. Sampulo. Diyes. Dekada. Deca. Heto ang mga taguri sa bilang na 10. Baka meron pa kayong alam na iba. Pwede naman mag-share-share :)) Pero teka...ano nga ba ang espesyal sa'yo? Bukod pa sa mga sumusunod na alam na marahil natin: - unang 2-digit number sa decimal - semiprime kasi 1,2,5 ,10 lamang ang kanyang factors - polygon na may 10 sides ay DECAGON - ang kinukuha lagi sa klase para sa "horror roll" o kung saan pa ...