Posts

Showing posts from 2012

Nang dahil sa pag-vote off kay Jessica Sanchez sa American Idol!

Numbers really matter, ayt? America voted her off pero is it really the right thing to do? Hmmm Luckily, the judges used their one-time "save" power para mailigtas sa pagkakatanggal si Jessica Sanchez. Pero hanggang kelan kaya tatagal ang power of 3 against power of many? Mathematically speaking, eh walang katuturan ang pagsave ng judges. Akalain mo na lang halimbawa, X sa 3rd power (X 3 ), ibig lang sabihin ay X•X•X lamang kumpara sa power ng kung ilan man na lahing Kano.

Eleven, labing-isa, onse!

Marami sa ating mga Pinoy ang mathematically-oriented ika nga. Kahit pa nga sa mga salitang kalye eh madalas nating mabanggit ang iba't ibang bilang tulad na lang ng mga sumusunod: - pagkakaISA (wala nga lang pagkakadalawa) - nag-iISA - nagdaDALAWAng isip - number TWO (kabit o kaya'y pangalawa lang sa orihinal) - namamangka sa DALAWAng ilog - naka de-KWATRO (cross-legs) - mabilis pa sa alas 4 - naONSE (naloko) 'Yan ay ilan lamang sa maaari nating mabanggit na mga konseptong namana natin sa ating mga ninuno. Aba teka lang, bakit nga ba at saan nagsimula ang mga pasaring na ganito? Tulad na lamang ng naONSE, ibig daw sabihin ay naloko o nagoyo ka. Pero bakit tinawag na naonse eh pwede namang sabihin na nadose o kaya'y natrese? Ganito 'yon, noon daw kasing uso ang dosena sa bawat pagbili eh minsan meron daw diumanong imbes na isang dosena ang ibigay eh kulang ng isa lagi. Kaya daw nauso din ang pagsabi ng naonse...nyeeeehhh! Ganun? P'wes tigilan na natin ang gany...

Ang Math sa Puso ni Kupido

Image
Aysus, balentayms day na ulit! Ika nga ng iba parang "gutom lang 'yan, lumilipas din". Ewan ko nga ba't naging kali-kaliwa ata ang mga raket ko at mga gawain simula nung nakaraang taon. Madaming blessings kasi na dumating...hehe "TINK YU VIRI MUTTS" sabi nga ni Aling Dionisia Pacquiao. Kaya nga ang ending, heto at ngayon lang ulit nag-update ng blog. Suri naman! Ngayong araw na 'to ay kikilalanin natin ang hugis PUSO bilang pagnanais ko rin na makisawsaw sa pagiging Romantiko. Una na dito ay paano nga ba ang paraan ng paggawa ng hugis puso: Unang paraan: Isa sa pinakamadaling pamamaraan ay ang paggawa ng hugis parisukat o square na kung saan ay nakatayo ito on its point or edge. Nakalilis kumbaga. Pagkatapos ay gumawa ng dalawang semi-circle sa dalawang magkatabing sides (ang side ng square ang s'yang magiging diameter nito) Pangalawa: Kung nais mo naman na may konting resemblance man lang sa tunay na heart, ang kailangan mo ay gumawa naman ng ta...