Posts

Showing posts from March, 2012

Eleven, labing-isa, onse!

Marami sa ating mga Pinoy ang mathematically-oriented ika nga. Kahit pa nga sa mga salitang kalye eh madalas nating mabanggit ang iba't ibang bilang tulad na lang ng mga sumusunod: - pagkakaISA (wala nga lang pagkakadalawa) - nag-iISA - nagdaDALAWAng isip - number TWO (kabit o kaya'y pangalawa lang sa orihinal) - namamangka sa DALAWAng ilog - naka de-KWATRO (cross-legs) - mabilis pa sa alas 4 - naONSE (naloko) 'Yan ay ilan lamang sa maaari nating mabanggit na mga konseptong namana natin sa ating mga ninuno. Aba teka lang, bakit nga ba at saan nagsimula ang mga pasaring na ganito? Tulad na lamang ng naONSE, ibig daw sabihin ay naloko o nagoyo ka. Pero bakit tinawag na naonse eh pwede namang sabihin na nadose o kaya'y natrese? Ganito 'yon, noon daw kasing uso ang dosena sa bawat pagbili eh minsan meron daw diumanong imbes na isang dosena ang ibigay eh kulang ng isa lagi. Kaya daw nauso din ang pagsabi ng naonse...nyeeeehhh! Ganun? P'wes tigilan na natin ang gany...