Posts

Showing posts from September, 2011

Estudyante Blues...LokoMoko Eh!

Sadya akong namamangha o kaya'y nagugulat sa bawat pagtuntong ko sa entablado at sa apat na sulok ng karunungan (Academic Room). Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o malungkot sa mga naririnig kong talasalitaan ng bawat estudyante. Nauunawaan ko na kailangan nga nating angkinin ang bawat salita nang makuha natin ang nilalaman o konsepto ng bawat paksa. Subalit kapag nanganganib na ang kasarinlan ng bawat mamamayang Pilipino ay dapat na nating ipaglaban ang karapatan at isigaw na TAMA NA! PALITAN NA!...hahaha off topic na ata ang pagiging makata ko. Kung ikaw kasi ang nasa klasrum, aba, baka sabi nga ng iba eh ma-culture-shock ka sa kanila. Hindi naman sa kadahilanang mukha silang Alien o kaya'y from other world kundi sa kung ano ang hatid sa kanila ng simula't sapul ng edukasyon sa Pinas. Kaya nga't sa bahaging ito ng ating pag-uusap ay ayos lang na ibahagi ko rin sa inyo ang mga salita at konseptong kanilang ginagamit. 1. TRANSPOSITION sa Algebra Juan T: Para ...