Wala ka nga bang silbi?
Hindi maikakaila na marami nga ang hindi nakakaalam sa tamang gamit ng sipnayan sa pang-araw-araw na buhay. Teka, meron nga ba? Bawat hakbang mo ika nga ay may naipapamalas na sipnayan. Maging sa paghanga mo man sa iyong nililigawan ay may karampatang bilang kumbaga. Parang ganito lang, - "Function ka ba? Kasi mula Many-to-One, sa huli ta'yo lang din ang One-to-One." Pero s'yempre di ako papayag ng One-to-Many". - "Alam mo bang para lang akong nag-aaral sa'yo ng Differential Calculus, kasi t'wing makikita kita parang instantaneous ang Rates of Change ng puso ko" - Kahit ano pa man ang mangyari, ikaw lang ang natatanging "solution" sa equation ng puso ko. Ngayon kung sa bawat sasabihin natin ay may kaukulang pagpapahalaga sa Math ay masasabi kong napakadali na para sa atin ang pag-unawa nito. Gamitin mo man sa kahit anong salita o sa kung ano pa mang balbal na pagpapahayag ng saloobin ay mas lalong ayos yan. Ibig lamang sabihin, may n...