Posts

Showing posts from July, 2011

Nang dahil kay JUANING!

Hey yo! Am back! Eh sa ikaw ba naman ang maging ako kung di ka pa sumuko...hehe Naks naman! S'yempre sa ganitong buhay eh kailangan talagang makipagbuno. Sabi kasi nila eh walang trabaho...pwess mali sila dahil napakaraming trabaho na nagkalat! 'Yun nga lang eh dapat sakto ka para sa trabahong papasukin mo lagi...at para madami kang raket eh dapat marami ka rin alam gawin bukod sa kung ano ang ginusto mong tahakin. Hayaan n'yo po mga kaibigan at kapag gaya nitong makakaluwag ako (huwag naman nang dahil sa bagyo lagi..hehehe) eh mabibigyan ko ulit kayo ng tips at tricks sa larangang ito.

Isang Pag-unawa sa Function at Relation

Mataman nating usisain kung anu nga ba ang kaibhan ng dalawang ito - ang Function kumpara sa Relation. Pero bago natin kalkalin ang lahat ng maaari nating masambit dito ay mas maigi siguro kung gawin natin ito sa paraang mas maiintindihan ng bawat isa. Hmmmm ganito, siguro naman nakapaglaro na kayo ng "Trip to Jerusalem" di ba? Pero kung sadya lang kayong matimtiman at halos di makabasag pinggan na halos walang alam din sa mundong ibabaw eh s'ya sige, narito ang gabay sa paglalaro nito; - Mga kasali dito madalas ay mga lalaki at babae, na kung saan ay naka-upo ang lalaki samantalang nakapaligid lamang dito ang mga babaeng gustong manalo ng premyo. - Sa saliw ng isang musika ay kailangang magsayaw o gumalaw-galaw ang babae paikot sa nakapabilog na inuupuan ng mga lalaki. - Kapag huminto ang musika ay kailangang makipag-agawan ang babae sa kandungan ng lalaki at kung saan ay iisa lamang ang maaaring maging pares ng lalaking nakaupo. - Ang babaeng walang maupuan ay out. - I...