Basta pitu-pito..ayos 'to!
Image Courtesy of www.dreamstime.com Ito ang isa sa kinalakhan kong terminolohiya bukod pa sa " Kapag walang Knowledge, walang Power" at laging ginagaya sa tuwing makikita ko ang patalastas noon ni Ernie Baron. Isa s'ya sa hinahangaan ko noon bilang tagapaghatid ng kaalaman sa TV Patrol na kung maaalala n'yo rin bilang isang Walking Encyclopedia. Talagang 'yung tipong 'pag s'ya na ang nakasalang sa TV ay saka naman ako tututok sa panonood dahil alam ko na may bagong kaalaman ako na matututunan. Kaya nga nung namaalam na s'ya ng tuluyan, ewan ko nga ba bakit hindi 'ata kinaya ng "Pitu-pito" n'ya, medyo nalungkot ako. Pero bago tayo malungkot at lahat eh pag-usapan na lang natin kung ano ang p'wede nating pagkatuwaan sa pagpapakilala ng seven, pito, siyete, o ano pa mang taguri dito. Ano nga ba ang espesyal o iba't ibang katangian ng karakter na ito? Ilan nga sa maaari kong mabanggit ay ang mga sumusunod: - ang plane figure...