Sa Muling Pagkabuhay
Medyo matagal din bago ko nasundan ang blog na ito. Marami na rin ang mga pangyayaring lumipas - sa inyo at pati na rin sa akin. Maraming pagbabago at marami na ding pagkakataong pinalipas ko para sundan ang pagsusulat at pagbibigay ng linaw tungkol sa larangan ng Sipnayan. Sa ngayon ay muli akong magbubukas. "Bukas na ulit ang tindahan ng lolo n'yo". Kung kaya't iniimbitahan ko kayo sa muli na subaybayan ang bawat yugto ng aking pagsusulat. O baka naman may mga rekomendasyon kayo para mapabuti ang blog na ito lalo na ngayong panahon ng pandemya at para makasabay na rin sa bagong "normal" - sa edukasyon at sa pangkalahatang pamumuhay na rin. O kaya naman may mga suhestyon kayong mga topics sa aking larangan na gusto ninyong ibahagi ko rin sa abot ng aking makakaya. Usung-uso na ngayon ang "online platform" kaya nga nararapat lamang siguro na sumabay na rin ako sa agos. Tingnan natin kung kaya ko na rin sabayan ang iba sa Youtube. Pero teka lang huw